BABALA | Puerto Princesa bay, muli na namang nagka-red tide

Muli na namang ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga shellfish sa coastal waters ng Puerto Princesa bay sa Puerto Princesa City, Palawan.

Natuklasan kasi ng BFAR at Palawan City local government na muli na namang nagkaroon ng kontaminasyon ng red tide toxin ang karagatan base sa pinakahuling laboratory examination sa mga shellfish doon.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, lahat ng lamang dagat doon ay apektado ng red tide tulad ng tahong, tulya at alamang.


Pero ang iba naman tulad ng isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas sa human consumption basta at linisin lamang ng mabuti bago iluto.

Nanatili namang nasa mataas na antas pa rin ang red tide toxin sa iba pang coastal waters sa bansa, kabilang dito ang Matarinao bay sa Eastern Samar, Lianga bay sa Surigao del Sur, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran city sa Bohol at coastal waters ng Milagros sa Masbate.

Ibig sabihin nito, lahat ng shellfish dito ay bawal hanguin at kainin.

Facebook Comments