BABALA | QCPD, nagbabala sa gustong maghasik ng karahasan ngayong kapaskuhan

Eleazar laban sa mga nais maghasik ng karahasan ngayong panahon ng kapaskuhan.

Kasunod ito ng pagkaka aresto ng QCPD ng apat na katao na nahulihan ng ibat-ibang uri ng armas sa ibat ibang operasyon sa QC.

Inaresto ng La Loma Police Station ang isang Raffy De Guzman matapos masamsaman ng 38 caliber revolver sa Brgy. San Jose, Quezon City.


Nakuhanan naman ng cal. 45 ng Novaliches Police Station si Edwardo Tolentino ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches

At sa Batasan police station, inaresto si Julius Peronce, notoryus na drug sa Brgy. Batasan isang Juanito Ragundaz, ng Brgy. Bagong Silangan ang dinampot dahil sa panunutok ng homemade shotgun.

Pinuri ni Eleazar ang police visibility na ipinatutupad ng kaniyang mga tauhan para mapigilan ang pagsasamantala ng masasamang elemento.

Facebook Comments