BABALA | SC spokesman, nagbabala sa paglabas ng mga confidential na usapin sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Nagbabala naman si Supreme Court PIO Chief Atty. Theodore Te sa mga taga Korte Suprema at sa media laban sa paglalabas ng mga unofficial at confidential na usapin sa loob ng Korte Suprema.

Ayon kay Te, may mga kinastigo na noon ang Kataas-Taasang Hukuman hinggil sa kaugnay na gawain.

Aniya, nagdudulot kasi ng kalituhan sa publiko ang mga leakage hinggil sa unofficial at confidential na impormasyon sa hudikatura.


Una nang lumabas ang report hinggil sa pagbitiw ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa pagiging ponente sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo, subalit hindi ito pinagbigyan ng kanyang mga kapwa-mahistrado.

Facebook Comments