Manila, Philippines – Nagbabala si Justice Secretary Menardo Guevarra na posibleng ma-cite for contempt ang sino mang patuloy na magbibigay ng pahayag sa publiko kaugnay ng pagpapawalang bisa ng Malacñang sa amenstiya ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Guevarra, nasa Supreme Court (SC) na ang nasabing usapin at hayaan na lamang ang Korte Suprema na magdesisyon sa petisyon ni Trillanes na humihiling ng temporary restraining order sa pag-aresto sa kanya ng AFP at PNP.
Sinabi ni Guevarra na tanggap din niya ang mga pagpuna sa kanya basta at tiyakin lamang aniya na mayroon silang matibay na pagbabasehan.
Tiniyak din ni Guevarra na sasagutin ng gobyerno ang petisyon na isinampa ni Trillanes sa Kataas-Taasang Hukuman.
Kumbinsido rin ang kalihim na tama ang naging desisyon ni Trillanes na iakyat sa Korte Suprema ang nasabing usapin, sa halip na magsalita nang magsalita sa media.