Manila, Philippines – Kukunin ulit ng Department of Transportation (DOTr) ang serbisyo ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries Ltd. bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit-line 3.
Sa statement ng DOTr, nagpapatuloy ang high level discussions sa gobyerno ng Japan para bigyang daan ang pagpasok ng Sumitomo Corporation at technical partner nito na Mitsubishi Heavy Industries para mag-maintain sa MRT.
Ang kasunduan ay magaganap sa pagitan ng gobyerno ng Japan at Pilipinas at inaasahang mapipirmahan bago matapos ang taon.
Kabilang sa kontrata ay ang rehabilitasyon at restoration ng sistema sa orihinal nitong performance standards ng MRT at inaasahang tatagal ito ng hanggang tatlong taon.
Ang Sumitomo at Mitsubishi Heavy Ltd., ang nag-design, bumuo, at nag-maintain ng MRT-3 sa unang 12 taon ng operasyon nito.