Manila, Philippines – Nagbabala si dating Senador Bong Revilla na babalikan niya ang mga nagpakulong sa kaniya sakaling maluklok muli sa Senado sa pagtapos ng 2019 Midterm election.
Ayon kay Revilla, magsusulong siya ng batas laban sa mga false accuser.
Tumanggi naman si Revilla na pangalanan ang mga taong kaniyang babalikan.
Pero giit ni Revilla, hanggang ngayon ay kumikilos ang mga kalaban niya sa pulitika para maibalik siya sa kulungan.
Matatandaang nakalaya si Revilla matapos maabswelto sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
Facebook Comments