BABANGGAIN | TRAIN 2 at rice tariffication bill, haharangin ng minorya sa Kamara

Manila, Philippines – Babanggain ng Minorya sa Kamara ang Duterte administration sa isinusulong na TRAIN 2 na nakapasa sa Committee on Ways and Means at Rice Tariffication na inaprubahan sa plenaryo sa ikalawang pagbasa.

Naniniwala si House Minority Leader Danilo Suarez na maling hakbang ang ipatupad ang dalawang panukalang batas na ito kahit pa parehong priority measures ni Pangulong Duterte.

Giit ni Suarez, hindi tamang magpataw ng buwis sa gitna ng mahinang lagay ng ekonomiya ng bansa.


Ayon kay Suarez, tiyak na may indirect effect sa publiko ang TRAIN 2 at hindi totoo na revenue neutral ang panukala.

Samantala, payayamanin naman ng rice tariffication bill ang mga magsasaka sa Vietnam, Cambodia at Laos kaya nararapat lamang na magbigay ng subsidiya ang gobyerno sa mga lokal na magsasaka sa bansa para tumaas ang kita.

Facebook Comments