BABANTAYAN | Department of Agriculture, naglatag ng mga bagong reporma sa rice trading

Manila, Philippines – Inatasan ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol ang National Food Authority na maglagay ng CCTV sa mga warehouse ng NFA.

Sa press briefing kanina, sinabi ni Piñol na layon ng paglalagay ng CCTV na mabantayan ang stock ng bigas sa mga warehouse.

Sa pamamagitan aniya nito, maaalis ang duda ng publiko na nagkakaroon ng iregularidad sa rice trading.


Bukod dito, iminungkahi rin ng kalihim kay NFA administrator Jason Aquino na maglagay ng tracking device sa mga delivery truck para ma-monitor kung tama ang pinagdadalhan ng mga bigas.

Balak din ng D.A. na maglagay ng trace ability system o Global Positioning System (GPS) sa pag-aangkat ng bigas sa Thailand at Vietnam.

Una rito, pinag-aaralan na ng DA, NFA at DTI ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa commercial rice.

Facebook Comments