Manila, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kaganapan sa West Philippine Sea at South China Sea.
Sinabi ni Asec. Elemer Cato, ginagawa ng kagawaran ang mga kinakailangan diplomatic action upang protektahan ang ating claim at patuloy daw ito na gagawin hanggang sa hinaharap.
Nanindigan din ang kagawaran na protektahan ang bawat pulgada ng ating teritoryo at higit sa mga lugar na mayroon tayong karapatan.
Wala daw sa patakaran ng kagawaran na isapubliko ang bawat pagkilos na ginawa ng pamahalaan ng Pilipinas sa tuwing may naiulat na mga development na nagaganap sa West Philippine Sea at sa South China Sea.
Sinabi pa ni Cato, marami ng nakamit ang bansa sa ilalim ng Duterte Administration.
Ang pakikipaglaban para sa ating mga karapatan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa ilalim ng ating kasalukuyang estratehiya, nais nating makamit ang higit pa, kabilang, ngunit hindi limitado sa, isang epektibong Code of Conduct na magtataguyod ng kapayapaan, kooperasyon , at katatagan sa West Philippine Sea at sa South China Sea.
Gumagamit ang kagawaran ng different approach o diskarte upang maiwasan ang anumang mga hadlang at hamon.
Paliwanag pa nito sa propesyonal at maingat na pagsulong sa ating mga interes sa West Philippine Sea at sa South China Sea, laging gagabayan ng kagawaran ng patriotic duty upang protektahan ang mamamayang Pilipino at ipagtanggol ang ating soberanya.