Manila, Philippines – Babantayan rin ang hanay ng Philippine National Police ang mga extortion activities ng New Peoples Army sa mga kandidato sa 2019 Midterm Election.
Ito ay dahil inaasahan na nila ang panghihingi ng NPA ng Permit to Campaign at permit to win sa mga kandidato na papasok sa kanilang mga teritoryo.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na report kaugnay dito
Pero nakahanda aniya silang magbigay ng seguridad sa mga kandidato kung may hihingi sa kanila.
Nakiusap rin si Gen Albayalde sa mga kandidato na huwag patulan ang paghingi ng Permit to Campaign ng mga rebelde.
Sa kanilang impormasyon ay hindi pare pareho ang hinihingi ng NPA.
Bukod sa Cash ay In Kind at kung minsan pa ay Barili ang hinihingi ng mga rebelde.