BABANTAYAN | Labor groups, nangakong imo-monitor ang implementasyon ng occupational safety and health standards law

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng isang labor group ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa occupational safety and health standards law.

Ayon kay Allan Tanjusay, spokesperson ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALLU-TUCP), ngayong ganap ng batas ang OSH, babantayan nila ang pagtalima rito ng mga amo at may-ari ng mga business establishment occupational safety and health standards.

Ito ay upang hindi na mangyari ang mga kaso ng pagkamatay at work related injuries tulad ng malagim na sinapit ng mga manggagawa sa nasunog na Kentex factory at sa sunog sa NCCC Mall fires.


Gayundin ang mga naitalang pagkamatay sa mga construction sites.

Aniya, ang RA 11058 ay bunga ng pinagsama-samang karanasan na tinipon upang ipakita sa gobyerno ang kawalan ng responsibilidad ng mga employer sa pagtiyak na gawing ligtas ang kanilang mga pook pagawaan.

Mula May 2015 hanggang December 2017, nakapagtala ang ALU-TUCP ng 112 na mga manggagawa na nasawi o nagtamo ng matinding pinsala sa ibat-ibang sakuna at aksidente na may kaugnayan sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments