BABANTAYAN | Mga barko ng PCG, nagpapatrolya na sa Philippine Rise

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na nagsimula ng mag-patrolya ang ilang mga floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Philippine Rise.

Katuwang ng BRP Sulungan na sa bagong Multi-Role and Response Vessel ang Islander- PCG.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, sa pag-papatrolya ng PCG sa Philippine Rise, pawang mga commercial vessel, tulad ng mga dambuhalang mga oil tankers ang namataang naglalayag sa bahagi ng Philippine Rise at ibang barko na nakatigil o walang nagsasagawa ng Under Water Research.


Paliwanag pa ni Balilo na bukod dito, may mga karagdagan pa silang pwersa at mga Floating Assets ang itatalaga sa Philippine Rise at kasama sa mga itatalaga ang bagong dating na Multi Role and Response Vessel ng PCG na nagmula pa sa Yokohama Japan.

Facebook Comments