Manila, Philippines – Hindi dapat na mabahala ang publiko sa napaulat na nasa Luzon at Visayas na ang mga ISIS sleeper cells.
Ayon kay Police Director General Oscar Albayalde, kumikilos ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang mga ito.
Sa katunayan, ayon kay General Albayalde, ang mga sunod sunod na pagkaka-aresto ng ilang mga kaalyado ng ISIS na nasa Luzon partikular na sa Metro Manila ay magpapakitang binabantayan sila ng mga awtoridad.
Kahit pa aniya magpanggap pa ang mga ito na mga vendor ay matutunton pa rin ang mga ito.
Sa ulat, tila umano sa mga kaalyado ng mga teroristang grupo sa Mindanao ang nagtutungo sa Metro Manila at Luzon dahil sa matinding military at police operation sa Mindanao.
Bukod rito, inihayag rin ni Philippine Army Chief Lieutentant General Rolando Bautista na may mga supporters ang ISIS na nagtatago sa mga malalaking lungsod sa Visayas at Luzon.