BABANTAYAN NA | Mayor Sara Duterte-Carpio, sasama na sa mga foreign travels ng Pangulo

Manila, Philippines – Sasamahan na ni Davao City Mayor sara Duterte-Carpio ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga susunod na biyahe abroad.

Ito ay para maiwasang maulit muli ang kontrobersiyang paghalik ng Pangulo sa isang Pinay sa South Korea.

Ayon kay Mayor Sara – Hindi na niya hahayaang maulit ang kissing incident.


Dagdag pa ng Alkalde, sarili niyang pera ang kanyang gagamitin sa pagsama niya sa biyahe ng Pangulo.

Ipinagtanggol din ni Sara ang ginawa ng kanyang ama at sinabing ‘gimmick’ lamang ito.

Ikinasama rin ng loob ito ni Mayor sara dahil nagresulta ang insidente sa awayan sa pagitan ng aktres na si Kris Aquino at Presidential Communications Asec. Mocha Uson.

Facebook Comments