BABANTAYAN | NYC, titiyakin na ang mga bagong halal na SK ay hindi na magpapatupad ng mga bulok na programa

Manila, Philippines – Babantayan ng National Youth Commission ang mga bagong halal na miyembro ng Sangguniang Kabataan. Ito ayon kay NYC OIC Ronald Cardema ay upang hindi na magpatupad ang mga ito ng mga bulok at gamit na gamit nang progama ng mga naunang nagging miyembro ng SK, tulad ng pa- liga sa brgy at mga beauty contest.

Ayon kay Cardema, bukod sa mandatory training ng mga nagwagi sa pagiging miyembro ng SK, tuturuan nila ang mga ito na bumalangkas at magpatupad ng mga kapaki- pakinabang na programa sa mga kabataan tulad ng disaster response, pagbibigay ng first aid at basic survival.

Dapat rin aniya na ang mga programa ay naka- align sa pagtulong sa komunidad sa kanilang anti crime, drug at terrorism campaign.


Bukod dito, mayroon ring ipino- propose ang NYC na ceremonial oath taking, para sa mga bagong miyembro ng SK sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito aniya ay upang seryosohin ng mga ito ang tungkuling gagampanan, at nang maramdaman ng mga ito, na hindi biro ang dapat nilang gawin para sa kanilang barangay.

Facebook Comments