BABANTAYAN | Patakaran sa paggamit ng paputok, hihigpitan

Manila, Philippines – Papaigtingin ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire and Protection (BFP) ang pagpapatapupad ng mga patakaran sa paggamit ng paputok ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) O-I-C Catalino Cuy, iinspeksyunin ang mga pagawaan at bilihan kung saan kukumpiskahin ang mga ipinagbabawal na paputok.

Target ng DILG ang zero firecracker-related injuries at casualties ngayong taon.


Sa datos noong January 01, 2017, aabot sa 350 firework-related incidents ang naitala.

Facebook Comments