BABANTAYAN | PCC, mahigpit na babantayan ang Grab

Manila, Philippines – Mahigpit na babantayan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Transport Network Company (TNC) na Grab.

Ang Grab na ang nangungunang player sa ride sharing industry.

Ayon kay Atty. Orlando Polinar, hindi malabong maabuso ng Grab ang posisyon nitong bilang pangunahing TNC matapos bilhin ang operasyon ng Uber sa Southeast Asia.


Kasalukuyan aniyang nire-review ang naging transaksyon ng Grab at Uber para tiyaking hindi ito nakakasama sa mga pasahero.

Sa ngayon, wala pang nakikitang paglabag ang PCC sa Grab kaugnay ng Philippine Competition Act (PCC).

Facebook Comments