BABAWASAN | Bawas sa VAT, planong isulong ng Senado

Manila, Philippines – Plano ng Senado na isulong na maibaba sa 10-percent ang kasalukuyang 12-percent na Value Added Tax o VAT ipinapataw sa mga produkto at serbisyo.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ito ang isa sa maaring tulong sa mamamayan laban sa tumataas na inflation rate o presyo ng mga bilihin.

Sabi ni Sotto, ang bawas sa VAT ay maari nilang ipaloob sa panukalang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.

Magugunitang sa pagtalakay noon sa TRAIN 1 ay iginiit na ni Senator Panfilo Ping Lacson na ibaba ang VAT pero hindi ito sinuportahan ng mga economic managers at kapwa niya mga senador.

Facebook Comments