BABAWASAN | Travel funds ng CCC, tatapyasan ng gobyerno

Manila, Philippines – Isinusulong ng Administrasyong Duterte na tapyasan ang travel funds ng Climate Change Commission (CCC) sa susunod na taon.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hihigpitan at lilimitahan na ang biyahe abroad ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa ilalim ng 98 million pesos proposed budget sa ahensya, ang travel funds ay binawasan sa 2.78 million pesos para sa 2019, mababa kumpara sa 1.87 million pesos ngayong taon.


Ang kabuoang budget ng komisyon ay hahatiin sa maintenance at iba pang operating expenses, personnel services at capital outlay.

Una nang sinabi ng Pangulo na isang representante lamang mula sa CCC ang dadalo sa mga susunod na international conferences tungkol sa climate change.

Ang CCC ay attached-agency ng office of the president, na nakatutok sa pagmo-monitor at pag-evaluate ng mga programa at action plans na may kaugnayan sa climate change.

Facebook Comments