BABAWIIN | Sanofi Pasteur, kukunin ang mga natitirang stock ng Dengvaxia vaccine

Manila, Philippines – Nakatakdang kunin ng Sanofi Pasteur ang Dengvaxia vaccine na hindi nagamit ng Department of Health.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nasa mahigit isang milyong doses ng Dengvaxia ang babawiin ng Sanofi.

Aniya, kapag nakuha ang natirang Dengvaxia saka naman ibibigay ng Sanofi ang 1.4 billion pesos na ibinayad ng pamahalaan para sa vaccine.


Sinabi pa ni Duque na nangako ang Sanofi na magbibigay ng kopya ng testing kit para malaman kung nagpositibo ba sa dengue ang isang bata bago makabunahan ng Dengvaxia.

Dagdag ng kalihim, mas mabuting manggagaling sa world health organization ang rekomendasyon kung sino ang third party na posibleng magsagawa ng testing.

Pero giit ng WHO, kailangan muna nilang malaman ang magiging epekto ng test na ito bago sila pumayag.

Facebook Comments