BABAYARAN NA | Philhealth, sisimulan nang bayaran ang mga utang nito sa mga pribadong ospital

Manila, Philippines – Nagkaayos na ang mga pribadong ospital at PhilHealth kaugnay sa pagbabayad ng utang.

Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, Presidente ng Private Hospitals Association of The Philippines (PHAP) – hindi naman itinatanggi ng PhilHealth na may utang ito sa mga pribadong ospital subalit hindi sila nagkasundo na halaga ng babayaran.

Pumayag ang philhealth na simula bukas, May 28 ay magbabayad ito ng mga legitimate o good claims.


Magiging utay-utay ang bayad sa pinagkakautangang ospital at kailangang magbayad ang PhilHealth sa loob ng 60 araw.

Tiniyak ng PHAP na patuloy ang serbisyo ng mga pribadong ospital sa mga mahihirap na pasyente at magagamit pa rin nila ang PhilHealth.

Facebook Comments