Baboy ginahasa umano ng isang lalaki sa Pangasinan

615

Sual, Pangasinan – Arestado ang isang construction worker matapos umanong gahasain ang isang alagang baboy sa barangay Bolaoen Sual Pangasinan.

Sa panayam ng iFM Dagupan sa PNP Sual, nagpunta umano sa kanilang himpilan ang isang OFW upang isumbong ang nangyaring insidente. Naabutan ng may-ari ng baboy na may ginagawa umanong kababalaghan ang suspek sa kaniyang walong buwang baboy at nakitang dumudugo na ang maselang bahagi nito kung kayat agad na dinala ang suspek sa barangay at itinurn over sa pulisya. Ayon sa may-ari ibebenta niya sana ang baboy para magkaroon ng extra income.


Itinanggi naman ng suspek na ito ay kaniyang ginahasa ngunit gumamit lamang ng kahoy kaya’t dumugo at namamaga ang maselang bahagi ng katawan ng baboy. Nasa PNP Sual na ang suspek at kinasuhan ma ng animal welfare act at grave scandal.

Facebook Comments

From Advertisers