Dahil sa masangsang na Amoy na nagmumula sa Isang babuyan sa Brgy. Bongalon, Labrador, Pangasinan, inirereklamo ito ngayon ng ilang residente na nakatira malapit sa nasabing babuyan.
Sa facebook post ng ilang residente sa lugar, hindi na umano kinakaya ng mga ito ang mabahong amoy na matagal ng umaalingasaw sa mga kabahayan.
Sa panayam ng IFM NEWS Dagupan sa kapitan ng Barangay, patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan, para sa daing ng mga residente na maalis ang masangsang na amoy.
Bukod sa mabahong amoy, marami pa umanong nalabag na violation ang babuyan na in-abisuhan na ring gumawa ng aksyon upang matuldukan na ang perwisyong dulot nito sa mga tao.
Hindi na umano magbibigay ng permit ang punong barangay maging ang Labrador LGU upang matigil na ang operasyon ng nasabing piggery. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨