Sa pagbabakasakaling lalayas ng kusa ang mga ito, pinapatugtog ng pamunuan ng malakas ang awiting “Baby Shark” at “Raining Tacos”.
Pahayag ni Leah Rockwell, direktor ng naturang beach resort, naasiwa umano ang mga nagbabaksyon at nagrerenta sa lugar tuwing may nakikitang palaboy na natutulog sa labas ng Waterfront Lake Pavilion.
Aniya, malaki ang tiyansang hindi na sila matulog sa mga patyo dahil sa kaingayan at madali rin umano ma-distract ang mga tao kapag naririnig ito.
Ayon kay Florida City Spokesperson Kathleen Walter, walang polisiyang nilalabag ang establisyimento kapag nagpapatugtog ng malakas.
“The music volume complies with City code, and is a temporary measure, as we are exploring the possibility of having set hours for the Great Lawn and Pavilion,” ani Walter.
Pero sabi ng ilang homeless advocates, mas lalo nilang ginagawang miserable ang buhay ng mga taong walang maayos na tirahan.
Giit ni Maria Foscarinis, founder ng National Center on Homelessness and Poverty, “driving them out by blaring music is just inhumane and really shocking.”
“How horrible to take something that is meant in such an innocent way and use it in such a mean and really evil way,” dagdag pa ng executive director.
Depensa ng lokal na pamahalaan, panandaliang solusyon lamang ito.