Manila, Philippines – Itinanggi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga balita na mayroon siyang senior aide na lumapit sa isang kilalang muslim leader para magkaroon ng back channel talks sa Maute group.
Sa kanyang pagbisita sa mga sundalo sa malaybalay bukidnon, nanindigan ang pangulo na hindi-hinding siya makikipag-usap sa mga kriminal.
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang Maute group ang lumapit para magkaroon ng kasunduan.
Pero sabi naman ni Pangulong Duterte, posibleng ang Moro Islamic Liberation Front o ang Moro National Liberation Front ang nagpasimula ng pakikipag-usap.
Muli ring tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Bukidnon na prayoridad sila ng pamahalaan.
Facebook Comments