Manila, Philippines – Nag-back out na sa bidding para sa ikatlong telecommunications player ng bansa ang Streamtech Systems Technologies Inc. na pag-aari ng pamilya Villar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Paolo Villar, chairman ng kumpaniya, napagpasyahan nilang huwag nang tumuloy sa bidding matapos ang ilang usapin ng management.
Una nang nilagdaan ni Pagulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11089 na nagbibigay ng prangkisa sa Streamtech.
Batay rito, binibigyan ng kapangyarigan ang franchise na magtayo, magkabit, mag-operate at magmintina ng telecommunications systems sa bansa.
Facebook Comments