Manila, Philippines – Hindi na matutuloy ang back-to-back hosting ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Ito ang kinumpirma ni Tourism Sec. Wanda Teo.
Dagdag pa ng kalihim, magagahol na sa oras ng preparasyon kapag ang bansa pa rin ang magiging host ng pageant lalo’t host din ang bansa sa ASEAN Summit sa Nobyembre.
Ayon kay Teo – abala rin ang ahensya sa paghahanap ng bagong advertising agency na siyang gagawa ng bago nitong ad.
Bukas din ang DOT na buhayin ang slogan na ‘Wow Philippines’.
Isasama rin aniya sa bagong ad ang konsepto ng sustainable tourism kung saan pinangangalagaan ang kalikasan at pagbibigay ng kabuhayan ang mga nakatira sa lugar.
Umaasa ang dot na maisusulong din ang sustainable tourism sa buong bansa.
Facebook Comments