Back-to-back job fair, ikakasa sa lungsod ng Maynila

Magkakasa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng back-to-back job fair ngayong araw.

Unang isasagawa ang PESO On the Road, SONA Job Fair sa Don Quijote Street (sa pagitan ng España Blvd. at Florentino Street) na sakop ng Brgt. 478, Sampaloc, Maynila.

Sisimulan ito ng alas-10:00 ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-3:00 ng hapon.


Bukod dito, ikakasa rin ang PESO In-house Job Fair sa 2nd floor ng PESO Annex Office sa Park N’ Ride Building sa Lawton mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Ang nasabing aktibidad ay ginawa upang mas mapadali ang pag-a-apply ng mga residente ng Maynila naghahanap ng trabaho.

Paraan din ito para matulungan magka-trabaho ang ilang indibidwal na natapos na ang kontrata nitong holiday season.

Makikita naman ang listahan ng mga bakanteng trabaho sa Facebook page ng PESO Manila.

Paalala pa ng PESO Manila at ng lokal na pamahalaan na magdala ng sariling payong, pamaypay at tubig; magdala rin ng black ballpen at sampung (10) kopya o higit pang resume; magsuot ng semi formal attire at sumunod sa mga ipinaiiral na minimum public health standards upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments