
Kapwa magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila at Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ng job fair ngayong araw, January 31, 2025.
Alas-8:00 ng umaga unang sisimulan ng DOLE-NCR ang “Trabaho sa Bagong Pilipinas Job Fair” sa Rizal Memorial Coliseum, P. Ocampo St. sa Malate, Manila.
Bukod sa job fair, isasagawa rin dito ang The Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Skills Demo & Free Training, at One-Stop-Shop Pre-Employment Documentation & Advisory Services.
Pagsapit naman ng alas-10:00 ng umaga, sisimulan ng Manila Local Government Unit (LGU) ang Mega job fair sa Arroceros Forest Park sa Lawton.
Nasa 5,000 job vacancies ang iaalok ng Public Employment Service Office (PESO) – Manila kung kaya’t pinapayuhan ang mga naghahanap ng trabaho na magdala ng 10 o higit 10 kopya ng resume at ballpen.