
Kinilala ang San Carlos City matapos itong tumanggap ng dalawang prestihiyosong parangal sa REGATA Conference 2025.
Muling ipinamalas ng lungsod ang kahusayan nito sa larangan ng pinansiyal na pamamahala sa pamamagitan ng pagkamit ng 2nd Place sa Collection Efficiency among all Cities in Region 1 at 3rd Place sa Year-on-Year Growth in Locally Sourced Revenues Among all Cities in Region 1 noong 2024.
Ang mga parangal na ito ay nagpapakita ng patuloy na pag-angat ng kakayahang pampinansyal ng San Carlos City at ng matagumpay na pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa mas maayos, mabilis, at episyenteng pagkolekta ng lokal na kita.
Naging posible ang natatanging pagkilalang ito dahil sa masigasig na pagtatrabaho ng City Treasurer’s Office, na nanguna sa pagpapatupad ng mga estratehiyang nagpalakas sa koleksyon at nagpaunlad sa lokal na revenue system.
Isang salik din ang responsableng pamamahala at transparency sa pananalapi ng lokal na pamahalaan.
Ang mga parangal na natanggap ng San Carlos City ay patunay hindi lamang ng mahusay na fiscal management, kundi pati ng kanilang matatag na pangako sa paglinang ng isang matibay na lokal na ekonomiya. Ipinapahayag nito ang determinasyon ng pamahalaang lungsod na gamitin ang lumalakas na kita upang maihatid ang mas epektibong serbisyo publiko at makapagsulong ng mas maraming proyektong magpapabuti sa buhay ng mga mamamayan.
Sa pagpapatuloy ng San Carlos City sa pagtataguyod ng maayos na pamamahala, episyenteng sistema, at inklusibong pag-unlad, lalo nitong pinatutunayan na ang tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap, propesyonalismo, at tunay na malasakit sa bawat San Carlenean. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









