Sa nalalapit na pasukan ngayong June 16, karamihan ay nakabili na ng mga bagong gamit pang-eskwela, subalit ang ilan ay wala pang kakayahan na makabili dahil na rin sa salat na budget para rito.
Hindi ito lingid para sa mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government ng Mapandan National High School kaya naman kanilang inilunsad ang Open Donation Drive para sa mga magbabalik eskwela ngayong taon.
Sa temang Used To Be Yours: Preloved Stuffs, inaanyayahan ang mga magulang, estudyante na may busilak na pusong tumulong, na maaaring magdonate ng mga lumang uniporme, sapatos, school bags, at maging mga school supplies hanggang June 13, 2025.
Mapupunta ang mga makokolektang school supplies sa mga mag-aaral ng Mapandan National High School at nakatakdang i-distribute sa mismong araw ng pagbubukas ng klase.
Kaya naman para sa mga willing magbigay ng kanilang preloved o kaya mga brand new na kagamitan, maaari kayong makipag-ugnayan sa SSLG – Mapandan National High School at maging daluyan ng pagpapala para sa mga estudyanteng magbabalik eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









