Background check sa mga bagong appointee ng DPWH, ipinag-utos ni Secretary Vince Dizon

Ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang masusing background check sa mga bagong appointee ng kagawaran.

Ayon kay Dizon, layon ng hakbang na masiguro na ang mga opisyal ay incorruptible at tapat sa serbisyo publiko at bahagi ng malawakang reporma at paglilinis sa kanilang hanay.

Sasailalim sa vetting process at background investigation ang labing-apat na DPWH executives mula sa antas ng undersecretary hanggang assistant secretary.

Bunsod nito, humingi ng tulong si Dizon sa National Bureau of Investigation (NBI) at ilang pribadong organisasyon gaya ng Institute of Corporate Directors, Management Association of the Philippines, at Philippine Chamber of Commerce and Industry para sa independent background checking sa mga opisyal ng DPWH.

Ang hakbang ay alinsunod na rin daw sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking transparent at may integridad ang mga opisyal ng kagawaran.

Facebook Comments