Isa sa prayoridad ngayon ng Philippine National Police (PNP) ay ang pagsasagawa ng background check sa mga kandidato sa eleksyon.
Ito ay matapos na ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga kandidatong kurap.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, pinag-aaralan nila ngayon ay ang historical data ng mga partikular na kandidato sa eleksyon.
Aniya ayaw nilang isa-publiko ang mga pangalan ng mga kandidatong isinasailalim nila ngayon sa background check.
Ang mahalaga aniya ay patuloy ang kanilang validation at imbestigasyon at kung anuman ang resulta ay isusumite nila ito sa nakakataas.
Paliwanag ni PNP chief ginagawa nila ang backround check upang matiyak ang tapat at payapang National at Local Election sa Mayo.
Facebook Comments