Backlog ng mga datos sa COVID-19, may apat na dahilan ayon sa DOH

Inisa-isa ng Department of Health (DOH) ang apat na isyu kaya tumataas ang agwat sa pagitan ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 at COVID-positive individuals.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ikinukonsidera ang isang tao na “confirmed case” sa COVID-19 kung sila ay sumailalim sa test sa national o subnational reference laboratories, o sa DOH-certified laboratory testing facility.

Ang mga dahilan ng pagkaka-antala ng pag-uulat ng official cases ay sumusunod:


– Pagtaas ng testing capacity na nagreresulta ng marami pang kaso na kailangang i-validate

– Kakulangan ng disease surveillance officers

– Posibilidad na pagkakaroon ng duplication ng kaso dahil sa magkakaparehas na pangalan

– Posibilidad na pagkakaroon ng duplication batay sa retesting o muling pagkuha ng COVID-test ng indibidwal.

Binigyang diin ni Vergeire ang kahalagahan ng disease surveillance officers sa validation process ng mga kaso dahil sila ang nakatutok sa pagmo-monitor ng mga kaso, pag-e-encode ng Case Investigation Forms (CIF) at pag-a-upload ng mga datos sa system.

Dagdag pa ni Vergeire, ang repeat tests ay hindi nakalagay sa case investigation forms, kaya kailangan muling beripikahin sa system.

Ang mga datos mula sa iba’t-ibang sources ay pinagsasama ng Epidemiology Bureau.

Gayumpaman, Tiniyak ng DOH na nireresolba na nila ang mga isyung ito.

Facebook Comments