Backlog sa COVID-19 test, umaabot na sa 7,000

Inanunsyo ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Deputy Chief Implementer of COVID-19 Response Vince Dizon na umaabot na sa 7,000 ang backlog sa COVID-19 test sa bansa.

Sa virtual press conference sa Palasyo, sinabi ni Dizon na malaking hamon sa gobyerno ang pagsasagawa ng mass testing dahil sa nagkakapatong-patong na paglalabas ng resulta.

Kung kaya’t nakipagpulong sila sa mga pribadong sektor nang sa ganun ay masolusyunan ang problema sa backlog.


Ayon kay Dizon, pumayag ang mga pribadong laboratoryo na tanggapin ang mga backlog test mula sa government laboratories at magkakaloob din aniya ang ilang private sectors ng automated machines upang maitaas o madoble ang kapasidad ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kasunod nito, kampante ang pamahalaan na mauubos na sa loob ng dalawang linggo ang mga backlog at magpapatuloy ang pag-arangkada ng daily testing dahil na rin sa tulong ng mga pribadong sector.

Facebook Comments