Target ng Land Transportation Office o LTO na maresolba sa susunod na taon ang 179,000 ang backlog sa plaka ng mga sasakyan at 13.2 million naman sa plaka ng motorsiklo.
Sa kanyang pagharap sa budget hearing na pinangunahan ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na naka-order na sila ng 15 million na pares ng plaka na inaasahang maide-deliver na agad.
Binanggit din ni Mendoza na sa ngayon ay umaabot na sa 32,000 kada araw o 700,000 kada buwan ang produksyon sa pag-iimprenta ng plaka.
Katumbas ito ng 250,000 na pares ng plaka kada buwan para sa mga motor vehicle at 1 million para sa motorsiklo.
Facebook Comments