Backlog sa mga plaka ng motorsiklo, unti-unti nang nababawasan dahil sa ‘Palit Plaka Program’ — LTO Parañaque

Kinumpirma ng Land Transportation Office-Parañaque na unti-unti nang nababawasan ang kanilang backlog sa mga plaka ng motorsiklo dahil sa kanilang Palit Plaka Program.

Ayon kay Florante Salting Martin, Chief Transportation Officer ng LTO Parañaque, nanawagan sila sa mga may-ari ng bagong plaka na maaari na nilang kunin sa kanilang opisina at dalhin lamang ang kanilang updated na rehistro ng motor.

Nagbigay na rin umano sa kanila ng deadline ang LTO National Capital Region hangggang October 31 para ma-address ang kanilang backlog na umabot sa 11,000.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa local government ng Parañaque at mga barangay para maiparating sa publiko na libre silang mag-a-avail sa Palit Plaka Program.

Samantala, sakop lang ng kanilang backlog ay mula taong 2004 to 2014 kung saan maaari nilang kunin ang kanilang plaka sa kanilang tanggapan sa LTO Parañaque.

Facebook Comments