
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong prefabricated classrooms sa Mariveles National High School sa Bataan, na bahagi ng solusyon sa kakulangan ng silid-aralan.
Nabuo ang mga ito sa loob ng dalawang linggo, may 20 taong warranty, at kayang tumagal sa malalakas na lindol at bagyo.
Aminado ang pangulo na kulang pa ang classrooms sa bansa kaya pinapabilis ang konstruksyon para makahabol sa pangangailangan ng mga estudyante.
Ipinakita rin sa kanya ang paggawa ng mga classroom at ang paggamit ng Xepto Learning Management System (XLMS), kasama ang pamamahagi ng tablets para makatulong sa pag-aaral.
Tiningnan din ng pangulo ang medical mission sa ilalim ng programang YAKAP, na target palawakin gamit ang dagdag pondo mula sa PhilHealth, para mas maraming estudyante ang makinabang sa serbisyong pangkalusugan.










