Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region 1 na maipatayo ang 50,000 housing units bilang tugon sa mahigit 300,000 backlogs sa rehiyon.
Sa pagdiriwang ng 2022 National Shelter Month Celebration na ginanap sa Pangasinan Training and Development Center 2, Capitol Compound, Lingayen, sinabi ni Attorney Raymundo A. Foronda ang OIC Regional Director ng DHSUD, uubusin ang backlog sa anim na taon.
Aniya, nagsimula na silang makipag ugnayan sa mga local government units upang maisakatuparan ang magandang layunin nang matulungan ang mga kababayan sa rehiyon.
Ibinahagi din nito na may mga nagsumite na ng kanilang proposed housing site gaya na lamang sa lungsod ng Alaminos dito sa Pangasinan.
Sa datos ng DHSUD, nasa 157, 000 na informal settlers ang makikinabang kung saan kakailanganin ang 2,100 na ektarya upang matugunan ang backlogs sa rehiyon.
Samantala, sa isinagawang Housing Summit pinirmahan din ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng provincial government, DHSUD at iba pang shelter agencies na naglalayong palakasin ang implementasyon ng housing program sa probinsya ng Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments