Backrider, Patay, Isa Sugatan nang Maaksidente sa Tulay!

244

*Quezon, Isabela-* Patay ang isang backrider habang sugatan ang drayber ng motorsiklo nang sariling maaksidente partikular sa tulay ng Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Kinilala ang nasawing backrider na si Leonida Magora, 57 anyos, may-asawa, habang ang sugatan na drayber ng motorsiklo ay si Mario Magora, 60 anyos, may-asawa, tricycle driver at kapwa residente ng Brgy. Dugayong, Amulung, Cagayan.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay ni Magora ang nasabing lansangan lulan ang minamanehong Honda Click 125 na may plakang NR 0201-0853637 patungong North direksyon at nang makarating sa pababa at pakurbang bahagi ng daan ay bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela kaya’t sumalpok sa konkretong bahagi ng tulay.

Parehong nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang backrider dahil sa matinding sugat sa ulo.

Dinala naman sa himpilan ng PNP Quezon ang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments