BackRider, Patay Matapos Maaksidente sa Echague, Isabela!

*Echague, Isabela*- Patay ang backrider ng isang motorsiklo matapos itong aksidenteng tumilapon sa kanang bahagi ng pambansang lansangan ng Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela pasado 11:00 kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Delfin Ramones, 38 anyos, driver ng motorsiklo na residente ng Brgy. Songsong, Gamu, Isabela habang nakilala naman ang angkas nito na si Ryan Sardon, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Sto. Niño, San Agustin, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, nakita ng isang saksi na habang binabagtas ng mga biktima ang pambansang lansangan lulan ng itim na motorsiklo ay di napansin ng mismong driver ang pakurbang daan na nagresulta ng pagbangga ng mga ito sa gilid ng daan habang ang angkas sa motorsiklo na si Sardon ay tumilapon ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.


Agad na isinugod sa pagamutan si Sardo ng Echague Rescue Team ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor habang nagpapagaling naman ang driver ng motorsiklo sa isang ospital matapos ang insidente.

Sa ngayon ay idinala na sa isang punerarya ang nasawing biktima habang ang motorsiklo ay nasa tanggapan ng kapulisan para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments