SUAL, PANGASINAN – Tinanggap ng nasa 48 backyard hog raisers sa bayan ng Sual ang kanilang cash assistance mula sa Department of Agriculture Regional Field Office 1.
Ito ay bunsod pa rin ng pagiging apektado ng mga magbababoy sa African Swine Fever (ASF).
Nagmula ang mga benepisyaryo sa mga barangay ng Camagsingalan, Seselangen, Bolaoen, Macaycayawan, Sto. Domingo at Sioasio West.
Pinangunahan naman ng Lokal na Pamahalaan at tanggapan ng Department of Agriculture ang distribusyon ng indemnification payments para sa mga ito.
Facebook Comments