
Nagsisimula nang magtungo ang ilan sa ating mga kababayang Katoliko sa Baclaran Church sa Parañaque City.
Ito’y dahil pa rin sa pagdiriwang o Solemnity of the Immaculate Conception.
Ayon sa pamunuan ng Baclaran, depende sa panahon ang dami ng mga tutungo sa naturang simbahan.
Noong nakaraang taon kasi sa kaparehas na oras ay lumagpas na sa 1,000 ang mga nagpunta sa simbahan para manalangin.
Sa pagtaya ngayon ng pamunuan ng Baclaran nasa 500 hanggang 600 pa lang ang kasalukuyang nagtungo sa Baclaran Church pra sa unang misa na sinimulan kaninang alas-6:30 ng umaga na susundan naman ng misa mamayang alas-8:00 ng umaga.
Kasabay ng holiday ngayong araw, mas pinili naman ng ilan sa ating mga kababayan na dito magpunta para magpasalamat at humiling na rin ng gabay sa panginoon.
Sa ngayon, patuloy naman ang pagpasok ng ilan sa tin dito sa simbahan ang ilan ay kasama rin ang kanilang pamilya.









