Maagang nagtungo ang ilang katoliko, dito sa Baclaran Church ngayong araw dahil ginugunita rin ang Baclaran Day at first Wednesday of April sa gitna ng Semana Santa.
Ayon sa ilang mga deboto, nakasanayan na nila ang magpunta sa Baclaran Church bilang kanilang panata, at pasasalamat na rin sa Poong Maykapal sa patuloy na pagbibigay lakas sa kanila.
Bandang alas-5:30 ng umaga ay nag-umpisa na ang first mass at susundan ng misa sa oras na alas-7:30 naman ngayong umaga at ang last mass naman ay magtatapos ng alas-7:30 ng gabi.
Sa first mass, nasa 3,000 na mga katoliko na ang nagpunta upang manampalataya at inaasahan na aabot pa ito sa 72, 000 hanggang 100,00 na church goer dahil na rin Holy Week.
Nagpaalala naman ang simbahan, na magsuot ng facemask at magkaroon pa rin ng social distancing sa loob ng simbahan.