Bacolod City, nagtalaga ng mga lugar para sa prutasan sa Pasko 2025; firecrackers display area, opisyal na ring binuksan

Tatlong lugar ang itinalaga sa Lungsod ng Bacolod para sa prutasan sa Pasko 2025 kung saan maaaring itinda ng mga fruit vendor sa naturang lungsod ang kanilang mga panindang prutas.

Ayon kay City Administrator Atty. Mark Mayo, kasama sa intinalaga ng lungsod ang Burgos Street sa gilid ng North Public Market, Hernaez Street sa gilid ng South Public Market, at Gonzaga Street sa gilid ng Bacolod Public Plaza, Central Market.

Ani Mayo, binigyan ng permiso ang mga manininda na mag-display at makapagbenta ng kanilang mga panindang prutas mula Disyembre 15 hanggang 31.

Samantala, binuksan na rin ang Firecrackers and Fireworks Display Area sa Bacolod Reclamation Area sa naturang lungsod.

Ayon kay Ryan Villaruz ng Bacolod City Fireworks and Firecrackers Association, may 62 vendors o retailers ang naglagay ng kanilang display station sa lugar matapos kumuha ng kaukulang mga permit.

Facebook Comments