Nahaharap muli sa panibagong surge ng COVID-19 cases ang Bacolod City.
Batay sa datos ng OCTA Research Group, as of September 26 hanggang October 2 ay tumaas ng 21% ang bagong kaso sa Bacolod.
Bagama’t nakikitaan ng pagbaba ang reproduction number mula sa peak nito ng 1.86 nitong September 15, muli namang nakikitaan ng pagtaas ang mga kaso.
Umabot na rin sa 26.93 kada araw ang incidence rate o average daily attack rate (ADAR) sa Bacolod.
Sa ngayon maliban sa Bacolod, nasa critical risk na rin ang Negros Occidental partikular ang mga munisipalidad ng Kabankalan, Talisay, Cadiz, La Carlota, Bago, Silay at Sagay.
Facebook Comments