Bacolod- P9.6 Million na suspected shabu nasabat ng mga otoridad sa dalawang suspeks

Nasabat ng mga otoridad ang tinatayang  P9.6 Million pesos na suspected shabu mula  sa dawalang arestadong tao  sa isinigawang drug buybust operations pasado las 11 kagabi ng Regional Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni  RDEU Chief  Pcapt  Mark Dado.

Kinilala ang mga arestado na sina Sidney Hulleza  46 anyos ang isang OFW  at live-in partner nito na si Betty Bonggay 32 anyos  ng J.R. Torres Barangay Singcang Airport Bacolod City.

Nakuha kay Hulleza  ang  275 pcs heat sealed plastic sachet ng  suspected shabu na umabot sa halos 1.3 kilo ,  P35,000 buybust money ,  ang isang big weighing scale at  buy-bust item na   big heat sealed transparent plastic sachet .  Ayun kay Hulleza  hindi kanya ang mga nakuha  kundi  ipinadala lang  ng kanyang kaibigan .


Facebook Comments