Manila, Philippines – Nagbigay ng 5 milyong pisong halaga ng donasyon ang actor na si Robin Padilla para sa psychological intervention sa mga batang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Kahapon kasi ay nakipagpulong si Pangulong Duterte kay Padilla sa Malacanang para saksihan ang turn over ng donasyon ng actor sa Department of Social Welfare and Development kung saan sumaksi din sina Trade Secretary Ramon Lopez, Social Welfare Assistant Secretary Rodolfo Santos, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Ano.
Kasama din ni Robin ang kanyang kapatid na si Rommel Padilla sa maliit na turn over ceremony sa Malacanang kahapon.
Facebook Comments