‘BAD JOURNALISM’ | Secretary Roque, binanatan ang Reuters

Manila, Philippines – ‘Bad Journalism’, ganito inilarawan ng Palasyo ng Malacañang ang istoryang inilabas ng Reuters kaugnay sa mga pulis na tinaguriang Davao Boys na sinasabing notorious sa pagpatay kaugnay sa Anti-Drug War sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inilabas ng Reuters ang kanilang istorya nang hindi nakukuha ang panig ng pamahalaan.

Sinabi ni Roque na humingi sa kanya ng reaksyon ang correspondent ng Reuters na isang International News Agency kung saan binigyan pa siya ng ultimatumpara makasagot pero noong panahon aniya na yoon ay nagsasagawa siya ng regular press briefing para sa Malacañang Press Corps.


Pero sinabi din naman ni Roque na ginawan na ng paraan ng pamahalaan ang reklamo laban sa QCPD Station 6 na pinamumunuan ni Superintendent Lito Patay.
Hindi din naman aniya kinontra ng Office of the Solicitor General at ng Malacañang ang petisyong writ of amparo sa Korte Suprema.

Binigyang diin pa ni Roque na patunay ito na hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang extra-judicial killing sa war against illegal drugs ng adminsitrasyong Duterte.

Facebook Comments