Manila, Philippines – Matapos ang taas-singil sa kuryente, may nakaamba na namang dagdag-pasanin sa mga konsyumer ngayong Nobyembre.
Tuloy na kasi ngayong buwan ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa tubig ng maynilad.
Ito ay matapos na suspendihin muna ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagdinig sa inihaing kaso ng maynilad tungkol sa hirit nitong ipasa sa mga konsyumer ang kanilang corporate income tax.
Ayon sa MWSS – naghain na sila ng mayniald ng joint application para suspendihin ang kaso sa International Court of Arbitration sa Hong Kong noong Biyernes.
Setyembre nang aprubahan ng MWSS ang hirit na P5.37 per cubic meter na taas-singil sa tubig na hahatiin sa loob ng apat na taon.
Pero naantala ito matapos na maghain ang maynilad ng dispute of notice dahil gusto nilang isama sa singil ang kanilang corporate income tax na hindi naman pinayagan ng MWSS.